Lyrics ABS-CBN Music All Star – Star Ng Pasko

Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag

Ang liwanag na ito
Nasa 'ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig nagyon higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo'y makakaahon

Ang liwanag na ito
Nasa 'ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat

Ang nagsindi nitong ilaw (Ang nagsindi nitong ilaw)
Walang iba kundi ikaw (Walang iba kundi ikaw)
Salamat sa liwanag mo (Sa liwanag mo)
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo (Salamat sa liwanag mo)
Muling magkakakulay ang pasko

Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw
Ikaw ang star ng pasko
Ikaw ang star ng pasko

Ang nagsindi nitong ilaw (Ang nagsindi nitong ilaw)
Walang iba kundi ikaw (Walang iba kundi ikaw)
(Walang iba, tanging ikaw)
Salamat sa liwanag mo (Sa liwanag, sa liwanag mo)
Muling magkakakulay ang pasko (Muling magkakakulay ang pasko)
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw (Walang iba)(Walang iba kundi ikaw)
Salamat sa liwanag mo
(Walang iba kundi ikaw)
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Muling magkakakulay ang pasko
Muling magkakakulay ang pasko
Muling magkakakulay ang pasko

Lyrics rating:
92%